Sunday, 27 September 2015

Tula tungkol sa Social Media







Koneksyon sa Impormasyon
ni: Silent E



Sa pagmoderno ng panahong ito

Kasabay din ang teknolohiya na umaasenso

Kaya umusbong ang social media na ttinatawag

Mgasaloobin ay pwedeng ihayag



Masaya kapag may social media

Nakawiwili at maraming magagawa

May facebook, google,skype at iba pa

Magiging updated ka pa sa mga balita



Buksan ang computer at simulan

Mga gustong websites ay puntahan

Mag-ingat lang baka ka mabigla

Nakahubad na pala ang iyong nakita



Uso dito, uso doon

Ito ay hatid din ng social media ngayon

May twerk, naenae at pabebe

Isang loveteam na nabuosa kalye



Ngunit may isa pang palabas

Nasaan ka Mr.Pastilas?

At may tatlong nangahas

Gagawin ang lahat mapunta lang sa itaas



Grabe na talaga ang impluwensiya niya

Mga trending ay dito makikita

Mararanasan mo pa ang lubos na saya

Pero hinay-hinay lang baka maadik ka



Sa social media sila makikita

Mga impormasyon ang kanilang dala-dala

Tungkol sa edukasyon, hanapbuhay, o maging sa paborito niyong artista

Google, Wikipedia, Mozilla ang ating kasangga



Youtube, Twitter, Facebook, Instagram at Spotify

Mga social media na punong kulay

Talagang paboritong tunay

Hindi magsasawa habambuhay



Sa kabilang banda, nandiyan ang negatibo

May mga taong puro biro ang laman ng ulo

Yung iba nakakasakit na ng puso

Bakit ba ginagawa nila ito

Ang tanging sagot nila 'ito ang uso'



Maganda at masamang epekto

Ang dulot ng social media sa mundo

Nakasalalay sa iyo kung paano mo gamitin

Ang dapat ay tama ang iyong piliin

Para sa huli ay sa mabuti ka dalhin






20 comments:

  1. Thanks for the help my group got 100 because of this thanks.:)

    ReplyDelete
  2. Thank you for giving a beatiful tula. I hope i will do with great performance to inspire my fellow classmate,

    ReplyDelete
  3. Thank you so much i hope i get a big score for my tula....☺️☺️☺️

    ReplyDelete
  4. Thank you i like this i hope i got high score in my tula

    ReplyDelete
  5. Thank you i like it

    ReplyDelete
  6. Thank u sa tula ....its wonderful😍

    ReplyDelete
  7. Super nice πŸ‘πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ‘

    ReplyDelete
  8. cထနထကတထနန္α€™့α€”္တက္ာါါာ

    ReplyDelete